Tuesday, January 20, 2015

how to get police clearance in sta.maria bulacan

Here are the steps:
1. Get Barangay Clearance and Cedula from the barangay where you live. In Brgy M. Sapa barangay clearance and cedula costs P40 each, so it will be a total of P80. You need to go personally because your picture will be taken and will be included in the clearance.
2. Go to Sta. Maria Municipal Hall and pay for the official receipt (P40) in window 13 or 15 and say it is for police clearance. 
3. Proceed to the police station beside the Municipal Hall. You don't need to go inside the police station, you can see it outside at the right corner. (P100 for local employment and P150 if it is for abroad). 

How to get NBI clearance in Marilao Bulacan

There are two options in getting NBI clearance, you can apply online http://clearance.nbi.gov.ph or you may go directly to Marilao Municipal Hall. I suggest that you go directly to the Municipal Hall because when you apply online you have to pay to the accredited bank or bayad center with an additional charge of P25.
Here are the steps:
1. First you need to get a Cedula (it is a requirement). Just ask where you can get it. Sometimes there are some personnel in front of the municipal hall if there are a lot of people applying. Cedula is P25 in Marilao..
2. For renewal you need to bring your old NBI clearance and proceed to "step 1" (you can see this sign in front of the municipal hall). You will be given a number and they will stamped it at the back of your cedula. If you are applying for a new one, you need to get online reference number which you can get from the personnel at the front. They are the ones with the laptop. They say you have to pay P10 for this. The reference number will be written at the back of your cedula, then you can now proceed to step 1.
3. Step 2 is payment time! You have to pay P115, same amount for local and abroad.
4. Step 3 is the process where in your photo and thumbmarks will be taken. If you do not have a "HIT" (meaning you do not have the same name with other people) you can get your NBI clearance on the same day. If you have, they will put a date at the back of the receipt (usually 3 days) when you can get you clearance.
For more information about NBI, here is the link: www.nbi.gov.ph

Sunday, March 3, 2013

Bus Incidents

Araw-araw hindi mawawala ang bus sa mode of transportation ko kahit saan ako magpunta. Here are some of my personal experiences, observations and thoughts:

bus incident #1 MAKAHIYA MOVES
pababa ka ng bus, katabi mo barakong mama na malaki katawan.. tatayo ka sa upuan expecting na tatayo din sya dahil masikip at di ka kasya sa space na dadaanan mo.. ipaparamdam mo kay barakong mama na di ka kasya.. sya naman magsusumiksik lang at titiklop na parang makahiya na nahawakan.. ang sarap sabihin na.. 
"kuya ang bigat ba ng balls mo at di ka makatayo?"

bus incident #2 REACH OUT!

may lalakeng sasakay sa bus.. mamimili ng babaeng makakatabi na type nila.. pagkatapos magbayad sa conductor, sa isang iglap bigla matutulog.. ang bilis ng progress ha.. nganga agad with matching pa-sway sway ng ulo.. at take note di makukuntento hangga't di nila mare-reach ang balikat mo kesyo magkandabali bali at magka-stiff neck ang leeg nila, ang goal nila eh maabot ka.. kaso di pa din na-reach, so si kuya eh magigising saglit, parang naalimpungatan ba.. tapos tatantyahin kung gano ka kalayo at e-effort umayos ng pwesto.. pag sa tingin nya eh ok na un pwesto nya.. pikit.. nganga.. at kunwari babagsak dahan dahan ang ulo nya sa balikat mo..
"hay kuya try kaya natin baliin leeg mo para umabot sya sa balikat ko..ako naaawa syo eh.."

bus incident #3 ANGAS POSING

katabi mo lalakeng di mapakali kung saan ilalagay ang braso nya.. pag ang braso mo eh nakaangat konti..(un nakapatong ung arms sa bag) sisiksik nila siko nila sa ilalim ng braso mo.. pag siniksik mo braso mo sa gilid mo.. iaangat nila braso nila na nakamayabang na posing at nakapatong ang kamay sa tuhod nila para madikit sa boobs mo (Thank God di ako gifted sa boobs kaya kahit anong angas posing nila eh wala madidikit).. 
"kuya san ba ang away? nasa bus ka lang ganyan pa pose mo?"

bus incident #4 IMAGINARY FRIEND

ang luwag ng upuan pero yung katabi mo pag-upo pa lang nakagitgit na syo.. syempre initial reaction pag may gumitgit syo eh uusog ka at isisiksik mo sarili mo sa tabi ng bintana ng bus..at dahil ayaw mo madikit sa kadiring braso ni kuya.. eh wala ka choice kundi ang umusog at pagsiksikan ang sarili mo sa other side.. pero pursigido si kuya.. aayos sya kunwari ng upo.. pro pasiksik pa din syo.. 
"kuya may imaginary friend ka ba dyan sa kabilang side? ang luwag pa eh.. pero kung makagitgit ka wagas.." 

bus incident #5 EFFORT

kadalasan ng wallet ng mga lalake eh nasa likod ng pants nila, so pag dudukot sila pamasahe masasanggi ung tagiliran mo ng siko nila kung di ikaw lalayo.. pero dahil nga maliit lang ang space sa upuan sa bus eh hindi pwedeng di sya madidikit syo.. ok lang sana kung isang beses, pero syempre isosoli pa nila ulit yun wallet so dalawang beses na.. at eto ang malala.. yung cellphone nila ilalagay din nila sa bulsa nila sa side na tipong makaka-style sya.. so bawat tunog ng cellphone eh dukot sila ng dukot.. 
"kuya.. effort ka?".. 

bus incident #6 TAPATAN
Pag punuan sa bus at wala ka choice kundi ang tumayo dahil male-late ka na..syempre wag ka na umasa may magpapaupo syo dahil bihira na ang gentleman ngayon.. at eto na yun time ng mga guys na makapag-take advantage sa girls.. pagbaba ng pasaherong lalake at pagdaan nya sa tapat mo imbes na patalikod sya sumide view eh paharap nya isisiksik ang sarili syo sabay liyad.. eeww! :P kaya girls beware, kung di naman kayo nagmamadali wag na kayo sumakay sa bus na puno na.. kasi mahirap umiwas pag gitgitan na sa bus.

bus incident #7 SWAY
nakaupo ka sa upuan tabi ng aisle ng bus.. yung lalake tatayo sa tapat mo at pag andar ng bus.. aarte sya na nagswe-sway sa bus at ididikit syo ang kadiring harapan nya.. 
"kuya galingan mo pag-arte.. halata kaya.."

bus incident #8 INVISIBLE
pagsakay ng bus, bibo ang conductor mag-collect ng pamasahe.. pagbayad mo buo ang pera mo.. sasabihin ni manong conductor na ibabalik na lang ang sukli mo (kahit na meron naman sya barya panukli syo..) pagkatapos makailang balik ni kuya sa harap mo.. kunwari di ka nya nakikita.. ang galing parang naging invisible ka bigla hehe.. lapit ka na bumaba tinanong mo si kuya sa sukli mo.. bigla magbibingi-bingi-han na parang wala naririnig at lalagpas lagpasan ka na lang.. tapos pag pababa ka na.. kakausapin mo sya at kukunin sukli mo.. sya pa galit sabay sasabihin syo.. bakit ngayon mo lang sinabi?.. syempre ikaw mapapa-"wow" na lang dahil magmamadali ka na pababa.. :P

bus incident #9 ANTUKIN
Puno ang bus at may lola na sumakay at wala na maupuan.. ang daming lalake nakaupo pero bawat isa parang wala nakikita na matanda.. yung mga lalake na katapat malapit sa matanda bigla magtutulug-tulugan na lang bigla.. 

bus incident #10
ang lakas ng aircon sa bus.. syempre giginawin ka at itatapat mo yung aircon palayo syo.. yung mga pasahero sa likod mo.. malamang giginawin din.. yun lang, itatapat sa ulo mo yung aircon.. ayos! 



Byaheng LRT/MRT

Di ko malilimutan ang first time ko pagsakay ng LRT, nawindang ako sa dami ng tao pag rush hour. Buti na lang may train na para sa mga babae, bata, disabled at senior citizen. Syempre dun ako sumakay. Pagsakay ko napunta ko sa bandang gitna yung malayo sa labasan kasi ang dami tao at wala ka choice kundi mag-give way sa mga gusto pa pumasok. Pero yung iba pagpasok dun lang sa gilid gilid ng pasukan tatayo kahit may mga spaces pa sa loob kaya tuloy yun iba gusto pa sumakay eh hirap pagpasok dahil nga sa mga yun. Nung malapit na ko bumaba, nag-e-excuse me ako sa mga pasahero para makadaan.. aba ang mga tao parang walang naririnig, wala tumitinag or umuusog man lang.. pero malapit na ko bumaba kaya wala ako choice kundi gumitgit at pagsiksikan ang sarili ko sa mga spaces na pwede lusutan.. bumukas na pinto ng train at pababa na dapat ako pero di pa din ako nakakarating sa pinto.. so syempre ayoko naman lumagpas sa bababaan ko kaya nakipagtulakan na talaga ko para makadaan. Grabe, wala pa din umuusog kaya kelangan mo gamitin ang full energy mo para makalabas. Nakalabas naman ako, yun lang bukas na ilang buttones ng blouse ko sa sobrang paggitgit at pakikipagtulakan para lang makalabas. Kaloka hehe! :D Na-realize ko, kaya naman pala yung mga ibang tao eh pagpasok hanggang gilid gilid lang sila ng pasukan, kasi nga ang hirap pala makalabas.

Tpos sa MRT naman di ko din malilimutan yung first time ko sumakay dun. Umagang umaga yun, so inisip ko konti lang siguro pasahero. Pagdating mrt, sa baba pa lang saksakan na ng dami ng tao. Dahil di ako pwedeng mag-bus na dahil male-late ako pag nag-bus kaya nagtyaga ako maki-go with the flow sa mga tao. Nakakatawa nga eh, kala mo prusisyon dahan dahan naglalakad mga tao paakyat ng hagdan sa sobrang dami. Tapos pag-akyat ng hagdan, one step at a time. Pagkatapos ng katakot takot na pila eh sa wakas makakarating ka din sa loob. Tapos natuwa ako kasi sakto ako nasa unahan kung saan bubukas ang pinto ng train. Tapos lahat ng tao lingon ng lingon sa panggagalingan ng train na kung tutuusin di na naman kelangan lumingon kasi sa laki ng train di naman ikaw malalagpasan ng train hehe.. wala lang napansin ko lang na bakit pa sila nag-e-effort silipin kung parating na ang train eh isa lang naman dadaanan nun. Makalipas ang ilang minuto eh di ayan na sa wakas may train na. Pagbukas ng pinto di nko naglakad papasok as in di ako naka-hakbang dahil  nabitbit na ko papasok ng mga tao sa loob haha! :D