Tpos sa MRT naman di ko din malilimutan yung first time ko sumakay dun. Umagang umaga yun, so inisip ko konti lang siguro pasahero. Pagdating mrt, sa baba pa lang saksakan na ng dami ng tao. Dahil di ako pwedeng mag-bus na dahil male-late ako pag nag-bus kaya nagtyaga ako maki-go with the flow sa mga tao. Nakakatawa nga eh, kala mo prusisyon dahan dahan naglalakad mga tao paakyat ng hagdan sa sobrang dami. Tapos pag-akyat ng hagdan, one step at a time. Pagkatapos ng katakot takot na pila eh sa wakas makakarating ka din sa loob. Tapos natuwa ako kasi sakto ako nasa unahan kung saan bubukas ang pinto ng train. Tapos lahat ng tao lingon ng lingon sa panggagalingan ng train na kung tutuusin di na naman kelangan lumingon kasi sa laki ng train di naman ikaw malalagpasan ng train hehe.. wala lang napansin ko lang na bakit pa sila nag-e-effort silipin kung parating na ang train eh isa lang naman dadaanan nun. Makalipas ang ilang minuto eh di ayan na sa wakas may train na. Pagbukas ng pinto di nko naglakad papasok as in di ako naka-hakbang dahil nabitbit na ko papasok ng mga tao sa loob haha! :D
Sunday, March 3, 2013
Byaheng LRT/MRT
Di ko malilimutan ang first time ko pagsakay ng LRT, nawindang ako sa dami ng tao pag rush hour. Buti na lang may train na para sa mga babae, bata, disabled at senior citizen. Syempre dun ako sumakay. Pagsakay ko napunta ko sa bandang gitna yung malayo sa labasan kasi ang dami tao at wala ka choice kundi mag-give way sa mga gusto pa pumasok. Pero yung iba pagpasok dun lang sa gilid gilid ng pasukan tatayo kahit may mga spaces pa sa loob kaya tuloy yun iba gusto pa sumakay eh hirap pagpasok dahil nga sa mga yun. Nung malapit na ko bumaba, nag-e-excuse me ako sa mga pasahero para makadaan.. aba ang mga tao parang walang naririnig, wala tumitinag or umuusog man lang.. pero malapit na ko bumaba kaya wala ako choice kundi gumitgit at pagsiksikan ang sarili ko sa mga spaces na pwede lusutan.. bumukas na pinto ng train at pababa na dapat ako pero di pa din ako nakakarating sa pinto.. so syempre ayoko naman lumagpas sa bababaan ko kaya nakipagtulakan na talaga ko para makadaan. Grabe, wala pa din umuusog kaya kelangan mo gamitin ang full energy mo para makalabas. Nakalabas naman ako, yun lang bukas na ilang buttones ng blouse ko sa sobrang paggitgit at pakikipagtulakan para lang makalabas. Kaloka hehe! :D Na-realize ko, kaya naman pala yung mga ibang tao eh pagpasok hanggang gilid gilid lang sila ng pasukan, kasi nga ang hirap pala makalabas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Gambling - The Casino Host in Wichita, KS
ReplyDeleteExperience the 남원 출장안마 thrills 논산 출장안마 of Vegas poker and online 제천 출장마사지 casino gaming at the Gambling Casino in 세종특별자치 출장마사지 Wichita, KS. Get in on 부산광역 출장샵 the action with our exclusive Poker